marami sa ating umaalis kahit malayo sa pamilya. Minsan naman tinitiis nalang ang pangulila dahil sa pangarap.

"AKO'Y PAUWI NA"
Ilang buwan na ba simula ng umalis ako.
Kaikangan kong magtrabaho kahit malayo sa piling mo.
May mga gabing hindi ako makatulog dahil wala ka sa tabi ko.
May mga araw na tulala dahil sa pag-alala sa'yo.
Hindi ko maiwasan na ako sayo'y nagtatampo.
Walang sapat na dahilan pero dahil siguro sa pangungulila sayo.
May mga araw na pagod na pagod ako.
Presensya mo lang ang bukod tangi'ng magpapaalis nito.
Mahigpit na yakap at halik mo.
Gusto ko ito'ng matamdaman sa oras na malamig ang gabi ko.
Ininum naman ang mainit na kape ko.
Sinindihan naman ang sigarilyo ko.
Ang kwarto ko din naman ay may nakaharang.
Ngunit hindi pa rin sapat at talagang ito'y kulang.
Hindi na masukat sa balde ang tumulong luha.
Hindi na maipasok sa panaginip ang iyong mukha.
Dahil siguro araw araw na lang na iniisip ka.
Miss na miss na kasi talaga kita, sinta.
Mag-ingat ka dyan at sa wakas ako'y pauwi na.
Posted using Partiko Android